Sorry, you need to enable JavaScript to visit this website.
Skip to main content

Kabanata 3: Ang ating mga empleyado at ang ating value chain 

 

Ating itinataguyod ang isang ligtas at malusog na lugar ng trabaho 


 
Ang Paraan ng Nestlé

Ang ating mga empleyado ay nasa puso ng ating negosyo at ang kanilang kaligtasan, kalusugan at seguridad ay nasa tuktok ng ating mga prayoridad. Itinataguyod natin ang kultura ng isang ligtas at suportadong lugar ng trabaho na nakaugat sa pagpapahalaga ng paggalang.

Ang bawat isa sa atin ay responsable sa pagpapanatili ng ating kultura ng kaligtasan at kalusugan, pagpigil sa mga insidente sa trabaho at pagkakasakit na may kaugnayan sa trabaho, at pagprotekta sa ating mga sarili, sa ating mga kasamahan, at sa mga eksternal na manggagawa sa loob ng mga pasilidad ng Nestlé. Binabantayan natin ang ating pagganap tungo sa ‘zero harm’ na lugar ng trabaho at nagsusumikap para sa patuloy na pagpapabuti ng ating mga gawain.

 

 

 

 

Binabantayan natin ang ating pagganap tungo sa ‘zero harm’ na lugar ng trabaho at nagsusumikap para sa patuloy na pagpapabuti ng ating mga gawain.

Paano natin ito isinasabuhay, araw-araw
  • Unawain at isagawa ang ating Life-Saving Rules at ang mga pamamaraan sa kaligtasan at kalusugan na naaangkop sa iyong mga gawain. Huwag gumamit ng shortcut kapag tungkol sa kaligtasan.
  • Proaktibong alamin, suriin, at pamahalaan ang mga maiiwasang panganib at agad na i-report ang anumang mga alalahanin sa kaligtasan, panganib sa kalusugan o insidente sa seguridad sa iyong people manager, Safety and Health team or Group Security .
  • Maging maingat at protektahan ang iyong sariling kaligtasan at kalusugan, pati na rin ng iyong mga kasamahan. Magbigay pansin kung ang isang tao ay nahihirapan at ipakita ang iyong pakikialam sa pamamagitan ng pag-aalok ng tulong. 
     
Pagsusuri ng ating Code

T. Napansin ko ang isang makina sa pabrika ay umiinit nang mas mabilis kaysa karaniwan. Walang anumang indikasyon na ito ay tinutugunan. Ano ang dapat kong gawin?

S. Huwag magkompromiso sa kaligtasan. Itigil muna ang iyong gawain at tiyakin na walang sinuman sa lugar ang nasa agarang panganib. Pagkatapos, ipaalam sa iyong supervisor, at kung maaari, ay isang tao mula sa on-site Safety and Health team upang mabilis na maisagawa ang angkop na mga hakbang sa kaligtasan, kung kinakailangan.

T. Kamakailan, ang aking kasamahan ay lubos na nakakaranas ng stress at nagpapakita ng mga palatandaan ng labis na pagkabalisa. Paano ako makakatulong?

S. Ang kalusugan ng pag-iisip ay kasinghalaga ng kalusugan ng katawan. Tugunan ang sitwasyon nang may sensitibidad at ingat dahil maaaring dulot ito ng maraming mga salik.Tanungin kung kumusta sila. Enganyuhin sila na makipag-usap sa kanilang people manager at HR Business Partner, at igalang ang kanilang privacy sa buong proseso.

researcher

Mga Sanggunian

Mag-click para sa karagdagang impormasyon at internal na mga mapagkukunan.

qr-code-ph

Speak up 

Kausapin ang iyong people manager, Human Resources o Legal & Compliance, o iulat ang iyong mga alalahanin sa ating Speak Up platform.

 

Kung mayroong mga katanungan tungkol sa ating Code, makipag-usap sa iyong people manager o sa Legal at Compliance.