Sorry, you need to enable JavaScript to visit this website.
Skip to main content

Kabanata 4: Integridad sa Negosyo 

 

Ating sinusundan ang trade sanctions 


 
Ang Paraan ng Nestlé

Sa halos bawat sulok ng mundo, ang Nestlé ay nagsusumikap na tuklasin at payabungin ang kakanyahan ng pagkain upang mapahusay ang kalidad ng buhay para sa lahat, ngayon at sa mga susunod na henerasyon. Ang ating pandaigidigang presensya ay nagtutulak sa atin na sumunod sa mga pambansa at pandaigdigang trade sanction at trade control laws na namamahala sa import at export ng ating mga produkto at serbisyo at ang mga teknolohiyang ginagamit natin sa pagpapatakbo ng negosyo.

Tayong lahat ay may pananagutan na tiyakin na ang Nestlé ay hindi nakikisali sa paglabag sa trade sanction o di-katwiranang nagiging sanhi sa iba na labagin ang mga batas sa kalakalan na naaangkop sa kanila. Ang breaches of trade sanction laws ay maaaring magresulta sa sibil o kriminal na aksyon laban sa Nestlé at sa mga empleyadong nasangkot.

 

 

Sundan ang ating mga prosesong prosidyural kapag-nag oonoard ng mga business partners at iba pang third parties.

Paano natin ito isinasabuhay, araw-araw
  • Unawain ang mga trade compliance na naaangkop sa iyong pagkamamamayan, rehiyon at/o operasyon, at sumunod sa lahat ng naaangkop na pamamaraan. Kung nagdududa, humingi ng gabay mula sa Legal at Compliance o sa Grupo ng Sanctions Compliance Competence Center.
  • Sundan ang ating mga pamamaraan sa due diligence kapag nag-o-onboard ng mga business partners at third parties Lalo pang maging masusi kapag nakikipag-ugnayan sa mga serbisyo ng mga ahente ng trade at customs.
  • Huwag subuking tumakas sa mga trade sanction sa pamamagitan ng paggamit ng third parties upang makipag-transact sa ngalan ng Nestlé o paglipat ng mga kalakal, serbisyo o teknolohiya sa mga sanctioned na bansa sa pamamagitan ng alternatibong mga ruta na dumadaan sa mga hindi sanctioned na mga bansa. 
     
Pagsusuri ng ating Code

T. Nalaman kong ang supplier ilang taon na naming katrabaho ay may subsidiary sa isang sanctioned na bansa . Kailangan ba naming tapusin ang lahat ng komersyal na ugnayan sa supplier na ito? 

A. Ang trade sanction laws ay komplikado. Kung may suspetsa ka na ang entidad ay may anumang kaugnayan sa isang sanctioned na bansa, dapat kang makipag-ugnayan sa Legal at Compliance upang imbestigahan ang sitwasyon.

worker

Mga Sanggunian

Mag-click para sa karagdagang impormasyon at internal na mga mapagkukunan.

qr-code-ph

Speak up 

Kausapin ang iyong people manager, Human Resources o Legal & Compliance, o iulat ang iyong mga alalahanin sa ating Speak Up platform.
 

Kung mayroong mga katanungan tungkol sa ating Code, makipag-usap sa iyong people manager o sa Legal at Compliance.