Sorry, you need to enable JavaScript to visit this website.
Skip to main content

Kabanata 4: Integridad sa Negosyo 

 

Ating binabantayan ang mga ari-arian ng kumpanya


 
Ang Paraan ng Nestlé

Sa ating trabaho sa Nestlé, ipinagkakatiwala sa atin ang paggamit ng ari-arian ng Nestlé upang mapahusay ang lagay sa araw-araw. Kasama dito ang:

  • Mga pisikal na ari-arian, tulad ng ating product inventory, laptops, phones, vehicles pati na rin ang proprietary factory at R&D equipment;
  • Mga digital at elektronikong ari-arian, kabilang ang software at information systems, customer at consumer databases, marketing and advertising data;
  • Intellectual property, tulad ng trademarks, patents, trade secrets, ideas at inventions.

Ang bawat isa sa atin ay may responsibilidad na gamitin ang mga ari-arian ng kumpanya nang wasto at mabisa - ito ang susi sa kakayahan ng Nestlé na magtagumpay. Ang Nestlé ay may karapatan na bantayan at suriin kung paano ginagamit ng mga empleyado ang mga ari-arian, hanggang sa saklaw na pinahihintulutan ng naaangkop na batas.

 

worker

Paano natin ito isinasabuhay, araw-araw
  • Tratuhin ang ari-arian ng Nestlé nang parehong pag-aalaga kung ito ay iyong sarili at protektahan ito mula sa pagkawala, pinsala, pang-aabuso, pagnanakaw o pandaraya.
  • Gamitin ang mga ari-arian ng kumpanya para sa kanilang inilaan na layunin. Huwag gumamit ang ari-arian o teknolohiya ng Nestlé para sa ilegal o hindi etikal na mga gawain, kabilang ang pag-access o pagpapakalat ng offensive content.
  • Tandaan na ang mga ari-arian ng kumpanya ay pag-aari ng Nestlé. Huwag gamitin ang ari-arian ng kumpanya para sa personal na pakinabang, at siguruhing lahat ng ari-arian at pribadong impormasyon ay ibinalik kapag umalis sa kumpanya. Ang pag-download o pagkopya ng impormasyon nang walang pahintulot ay isang paglabag sa patakaran ng kumpanya at maaaring magdulot ng disiplinaryo o legal na mga kahihinatnan.

 

Pagsusuri ng ating Code

T. Ako ay naglalakbay para sa negosyo nang manakaw ang aking laptop. Ano ang dapat kong gawin?

S. Dapat laging ipamalas ang wastong pag-iingat at itago ang mga device ng ligtas at secure na paraan. Agarang iulat ang nawawalang device sa iyong people manager at sa IT Organization.

 

 

Ang bawat isa sa atin ay may responsibilidad na gamitin ang mga ari-arian ng kumpanya nang wasto at mabisa - ito ang susi sa kakayahan ng Nestlé na magtagumpay.

E-car

Mga Sanggunian

Mag-click para sa karagdagang impormasyon at internal na mga mapagkukunan.

qr-code-ph

Speak up 

Kausapin ang iyong people manager, Human Resources o Legal & Compliance, o iulat ang iyong mga alalahanin sa ating Speak Up platform.

 

Kung mayroong mga katanungan tungkol sa ating Code, makipag-usap sa iyong people manager o sa Legal at Compliance.