Kabanata 2: Ang ating mga konsumer
Ating ipinapamalas ang responsableng pag-mamarket ng ating mga produkto
Ang Paraan ng Nestlé
Ang ating mga brand, logo, at slogan ay ilan sa pinakamamahal at kinikilala sa buong mundo. Habang ang ating mga komunikasyon sa marketing ay may kakayahan na magkaroon ng positibong epekto sa buhay ng ating mga mamimili, kaugnay nito ang malaking responsibilidad.
Tayo ay nakatuon sa responsable at maaasahang komunikasyon sa marketing upang mapagkalooban ang ating mga mamimili ng impormadong pagdedesisyon. Ang ating advertising ay nagdiriwang ng ating pandaigdigang konsumer base at naglalayong maipakita ang lipunan sa pangkalahatan. Tayo'y nagbibigay ng kapaki-pakinabang, madaling maintindihan at mahalagang impormasyon tungkol sa nutritional at health impact ng ating mga produkto.
Maingat nating minamarket ang infant formula o mga produktong gatas na maaaring pang-substitute sa gatas ng ina na idinisenyo para sa mga sanggol at bata alinsunod sa ating internal na gabay at lokal na batas at regulasyon at ating minamarket ang mga pagkain para sa sanggol na naaayon sa ating patakaran na ipinatutupad ng Code of Marketing of Breast-milk Substitutes ng World Health Organization (WHO).
Tayo ay nakatuon sa responsable at maaasahang komunikasyon sa marketing upang mapagkalooban ang ating mga mamimili ng impormadong pagdedesisyon.
Paano natin ito isinasabuhay, araw-araw
- Makipag-ugnayan sa mga konsumer sa tunay at responsableng paraan, na naaayon sa pangako ng Nestlé at sa mga naaangkop na regulasyon sa advertising at marketing.
- Ipakita ang pagkakaiba-iba ng ating mga konsumer at lumikha ng mga inklusibong kampanya.
- Mag-market at mag-label ng mga produkto ng Nestlé nang tapat at malinaw, na nagbibigay ng tamang impormasyon.
- Maging partikular na maingat sa komunikasyon sa marketing para sa mga batang manonood, sumunod sa mga internal na gabay upang itaguyod ang responsableng pagkonsumo, malusog na pamumuhay at masustansyang mga pagpipilian, na tumutulong sa mga magulang at tagapag-alaga na gumawa ng responsableng mga desisyon para sa mga bata sa kanilang pangangalaga.
Pagsusuri ng ating Code
T. Kung ang isang produkto ay hindi para sa mga bata, kailangan pa ba itong sumunod sa Nestlé’s Marketing to Children Policy?
S. Oo. Lahat ng produkto ng Nestlé ay saklaw ng ating Marketing Communication to Children Policy. Hindi natin tinatarget ang komunikasyon sa marketing sa mga bata na wala pang anim na taong gulang, at hindi rin tayo nakikipag-ugnayan sa mga influencer na wala pang labingwalong taong gulang, bukod dito, hindi rin tayo nagkokolekta ng personal na datos mula sa mga kabataang wala pang labingwalong taong gulang para gamitin sa komunikasyon sa marketing. May mga partikular na produkto na dapat sumunod sa karagdagang mga patakaran tulad ng hindi pagsasapubliko ng mga bata na wala pang 16 taong gulang sa pamamagitan ng bayad na media advertising.

Mga Sanggunian
Mag-click para sa karagdagang impormasyon at internal na mga mapagkukunan.

Kausapin ang iyong people manager, Human Resources o Legal & Compliance, o iulat ang iyong mga alalahanin sa ating Speak Up platform.
Kung mayroong mga katanungan tungkol sa ating Code, makipag-usap sa iyong people manager o sa Legal at Compliance.