Kabanata 3: Ang ating mga empleyado at ang ating value chain Ating itinataguyod ang isang ligtas at malusog na lugar ng trabaho Binabantayan natin ang ating pagganap tungo sa ‘zero harm’ na lugar ng trabaho at nagsusumikap para sa patuloy na pagpapabuti ng ating mga gawain. Ating nirerespeto ang bawat isa Ating ipinagdiriwang ang pagkakaiba ng kultura at paraan ng pag-iisip sa loob ng Nestlé. Ating itinataguyod ang karangalan ng bawat tao at iginagalang ang karapatang pantao Ang paggalang sa karapatang pantao ay isa sa ating mga pangunahing pagpapahalaga. Ating maingat na kinukuha ang mga kinakailangang materyales at nagsusumikap na protektahan ang planeta Layunin nating magkaroon ng positibong epekto sa planeta sa pamamagitan ng pagsusumikap tungo sa net zero greenhouse gas emissions.