Kabanata 3: Ang ating mga empleyado at ang ating value chain
Ating nirerespeto ang bawat isa
Ang Paraan ng Nestlé
Ang respeto ay may espesyal at makapangyarihang kahulugan sa Nestlé. Ito ay lubos na nakakaapekto sa ating pamamaraan ng pagtratrabaho at pagpapatakbo ng ating negosyo. Ating ipinagdiriwang ang pagkakaiba ng kultura at paraan ng pag-iisip sa loob ng Nestlé, na tumutulong sa atin na tuklasin ang buong potensyal ng ating mga empleyado at ng ating negosyo. Ang ating inklusibong pinagtratrabahuhan ay isang lugar kung saan ang lahat ay maaaring magtagumpay sa isang kolaboratibo at may respetong kapaligiran, na nararamdaman ang pagpapahalaga at kaligtasan. Ating itinataguyod ang inklusyon ng lahat ng komunidad, kultura, at edad sa ating workforce, na patuloy na nagsusumikap upang mapabuti ang balanse ng kasarian at magbigay ng pantay-pantay na pagkakataon. Tayo ay walang pagtanggap sa anumang anyo ng karahasan, pang-aabuso, o diskriminasyon.
Paano natin ito isinasabuhay, araw-araw
- Tratuhin ang lahat ng tao ng may respeto at dignidad. Tanggapin ang iba't ibang pananaw.
- Maging mapanuri sa kung paano ang iyong mga salita at kilos ay maaaring makaapekto sa iba, sa loob at labas ng lugar ng trabaho. Kahit na hindi sinasadya, maaaring maging labag sa pagrespeto ang ilang mga aksyon, pahayag, at uri ng biro.
- Huwag kailanman makisali o hayaan ang diskriminasyon o pang-aabuso. Makialam ng may paggalang at mag-alok ng suporta, o humingi ng gabay mula sa iyong people manager o HR Business Partner, o iulat ito sa pamamagitan ng Speak Up.
Ating ipinagdiriwang ang pagkakaiba ng kultura at paraan ng pag-iisip sa loob ng Nestlé.
Pagsusuri ng ating Code
T. Ang aking ilang mga kasamahan ay nagsasabi ng mga hindi magagandang komento tungkol sa bagong miyembro ng aming team, ginagawang katatawanan ang kaniyang accent at hindi siya isinasama sa mga pulong ng grupo. Nang punahin ko ang kanilang gawain, sinabi nilang ito ay biro lamang at huwag seryosohin. Ano ang dapat kong gawin?
S: Ang mga birong nakasasama sa iba ay maaaring nakakawala ng respeto at nakapanliliit. Ang pagbubukod sa isang tao sa ganoong paraang ay maaari ring makita bilang pang-haharass. Kausapin ang iyong manager o HR Business Partner, o gamitin ang Speak Up. Hikayatin ang iba na may parehong mga alalahanin na magsalita rin.
May nakitang anomalya? Magsalita.
Ang violence at harassment sa lugar ng trabaho ay maaaring magkaroon ng maraming anyo, ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod:
- Mga derogatoryong komento
- Mga verbal o pisikal na banta
- Mga naka-iinsulto at nakapanliliit na biro
- Pisikal na assault o pakikialam
- Di-kanais-nais o di-pinahihintulutang paghawak
- Seksuwal na mga komento o kilos
- Pambubully
Ang diskriminasyon batay sa anumang protektadong katangian ay ipinagbabawal, kabilang ang:
- Nasyonalidad
- Relihiyon
- Lahi
- Kasarian
- Edad
- Kapansanan
- Seksuwal na oryentasyon

Mga Sanggunian
Mag-click para sa karagdagang impormasyon at internal na mga mapagkukunan.

Kausapin ang iyong people manager, Human Resources o Legal & Compliance, o iulat ang iyong mga alalahanin sa ating Speak Up platform.
Kung mayroong mga katanungan tungkol sa ating Code, makipag-usap sa iyong people manager o sa Legal at Compliance.