Sorry, you need to enable JavaScript to visit this website.
Skip to main content

Kabanata 4: Integridad sa Negosyo 

 

Ating nirerespeto ang mga patakaran ng insider trading


 
Ang Paraan ng Nestlé

Sa panahon ng pagtatrabaho sa Nestlé, maaaring magkaroon ka ng access sa kumpidensyal o hindi-pampublikong impormasyon tungkol sa kumpanya, o tungkol sa aming mga supplier at business partners, na may potensyal na makaapekto sa halaga ng ating kumpanya, o ng ibang kumpanya. Kasama dito ang potensyal na mga mergers at acquisitions, pagbabago sa pamumuno, paglulunsad ng mga produkto, paglilitis o mga sales at financial results. Lahat ng ito ay kumakatawan sa 'inside information' at ilegal na gamitin ang mga ito para sa personal na kapakinabangan sa pamamagitan ng pakikipagkalakalan ng mga shares.

Ipinagbabawal ng Nestlé ang pagbili at pagbebenta ng mga shares o securities batay sa potensyal na impormasyon sa presyo ng shares na hindi pa isinasapubliko. Ang hindi pagsunod ay maaaring magdulot ng aksyong disiplinaryo kabilang ang pagkatanggal at maaari ring magresulta sa pagsampa ng kriminal na mga kaso.

 

Paano natin ito isinasabuhay, araw-araw
  • Intindihin ang mga patakaran sa insider trading at huwag bumili o magbenta ng mga shares o securities batay sa inside information.
  • Panatilihin ang inside information na confidential. Ang paglalantad ng inside information sa ibang tao ay ipinagbabawal dahil maaari nilang itong gamitin upang gumawa ng desisyon sa pamumuhunan.
  • Sundin ang mga patakaran ng Nestlé sa mga close periods. Ang mga kasamahan na sangkot sa paghahanda at pakikipag-ugnayan ng mga financial statements at sales figures ay dapat intindihin at sundin ang mga karagdagang mga patakaran na naaangkop sa oras na ito.
Pagsusuri ng ating Code

T. Ang isang kasamahan ay naghahanda sa paglunsad ng bagong brand na alam kong magiging patok sa merkado. Alam kong hindi ko maaaring bilhin ang stock para sa aking sarili, ngunit maaari ko bang ipaalam sa aking asawa at hikayatin silang bumili ng mga shares nito? 

S. Kung ang impormasyon tungkol sa bagong brand ay hindi pa isinasapubliko, ito ay maituturing na inside information, kung kaya't ang pagbabahagi nito at ang pagmumungkahi sa ibang tao na bumili ng mga shares nito ay maaaring maging 'tipping off'. Ito ay ipinagbabawal ng batas, kahit na hindi mo personal na makakamtan ang anumang pakinabang mula rito.

 

Tanungin ang iyong sarili

Kung hindi ka sigurado kung mayroon kang inside information, tanungin ang iyong sarili: 

  • Ito ba ay hindi alam ng publiko?
  • Ako ba, o ang isang investor ay bibigyang pansin ang impormasyong ito bilang kapaki-pakinabang sa pagpapasya kung bibili o magbebenta ng mga shares o securities?
  • Kung oo, maaaring ito ay isang inside information. 
work process

Mga Sanggunian

Mag-click para sa karagdagang impormasyon at internal na mga mapagkukunan.

qr-code-ph

Speak up

Kausapin ang iyong people manager, Human Resources o Legal & Compliance, o iulat ang iyong mga alalahanin sa ating Speak Up platform.

 

Kung mayroong mga katanungan tungkol sa ating Code, makipag-usap sa iyong people manager o sa Legal at Compliance.