Sorry, you need to enable JavaScript to visit this website.
Skip to main content
children

Ating mga paninindigan

Ang ating Layunin

Tuklasin at payabungin ang kakanyahan ng pagkain upang mapahusay ang kalidad ng buhay para sa lahat, ngayon at sa mga susunod na henerasyon.

 

Ang ating Pagpapahalaga

Ang ating pagpapahalaga sa respeto - para sa ating sarili, para sa iba, para sa pagkakaiba-iba, at para sa hinaharap - ay ang pinakasimpleng pahayag kung sino tayo at kung paano natin isinasabuhay ang ating layunin. Ang ating pagpapahalaga ay naging gabay at inspirasyon sa ating pagtratrabaho sa loob ng mahigit 150 taon at patuloy na nagbibigay inspirasyon sa lahat ng ating ginagawa, araw-araw, saan man tayo naroroon.

 

Ang ating mga Prinsipyo

Ang ating Corporate Business Principles ang namamahala kung paano natin pinapatakbo ang negosyo bilang isang kumpanya at ang naglalarawan ng ating mga responsibilidad sa mga shareholder, mamimili, empleyado, business partners, at lipunan. Binabalangkas nito kung paano tayo kumikilos nang may integridad, habang lumilikha ng shared value sa bawat hakbang ng ating paglalakbay.

 

Ang ating Code

Ang ating Code of Business Conduct ay nagtataguyod ng ating programa sa pagsunod sa batas. Ito ay nagtatakda ng kinakailangang mga asal para sa lahat ng nagtatrabaho sa Nestlé at gabay sa atin kung paano tayo dapat kumilos, sa pamamaraang Nestlé.