Kabanata 4: Integridad sa Negosyo
Ating ipinagbabawal ang suhol at katiwalian
Ang Paraan ng Nestlé
Ang Nestlé ay walang pagtanggap sa anumang uri ng suhol at katiwalian. Tayo ay sumusunod sa mga batas laban sa suhol sa katiwalan at sa ating pangako laban sa korapsyon sa ilalim ng UN Global Compact. Tayo ay nagtatagumpay batay sa ating brand value, kalidad ng ating mga produkto, ating kakayahang makipagsabayan at ang ating sustainability performance, hindi sa pamamagitan ng anumang hindi angkop na bentahe.
Hindi tayo nag-aalok o nangangako na magbayad ng suhol, hindi rin tayo pumapayag sa mga ahente, tagapamagitan o third parties na gawin ito para sa atin. Gayundin, hindi tayo kailanman tumatanggap ng anumang kapalit para sa preferential treatment. Ang ating mga business partner ay dapat sumunod sa mga anti-bribery laws at sumailalim sa ating due diligence procedures, ayon sa Nestlé Responsible Sourcing Core Requirements at sa ating Corporate Business Principles.
Sa kahit saan tayo nag-ooperate o anuman ang sitwasyon, isinasagawa natin ang negosyo nang may mataas na pagpapahalaga sa integridad. Ang ating zero tolerance sa suhol at katiwalian ay umiiral kahit ang lokal na batas ay mas magaan, at ang mas mahigpit na lokal na batas o pamamaraan ang nauuna kung ito ay umiiral.
Ang ating mga business partner ay dapat sumunod sa mga anti-bribery laws at sumailalim sa ating due diligence procedures
Paano natin ito isinasabuhay, araw-araw
- Maging maingat sa mga panganib ng suhol at katiwalian sa iyong bahagi ng negosyo at manatiling alerto sa mga interaksyon na maaaring magmukhang hindi etikal sa iba.
- Huwag kailanman mag-aalok o mangangako ng anumang personal o pakinabang, pinansyal man o hindi, upang impluwensiyahan ang isang desisyon mula sa third party, o tumanggap ng anumang kabayaran bilang kapalit ng isang hindi mabuting pabor. Kasama dito ang mga di-tuwirang kickbacks o mga bayad sa mga miyembro ng pamilya o iba pang malalapit na kasosyo.
- Siguruhing maayos na naitala, natukoy, at naiulat ang lahat ng negosyo at transaksyong pinansyal. Kasama dito ang mga regalo, entertainment, hospitality, mga scholarship, grant, sponsorships at donasyon sa mga charity.
- Maging maingat kapag nakikipagtransaksyon sa mga opisyal ng gobyerno o mga empleyado ng pampublikong sektor. Ang facilitation payments upang mapanatili o 'mapabilis ang pag-track' ng mga karaniwang administratibong aksyon ay maaari ring maituring na suhol, at hindi ito katanggap-tanggap.
Pagsusuri ng ating Code
T. Ang aking departamento ay kumontrata ng isang consulting firm upang magbigay ng 'strategic advice' ukol sa mga regulasyong may kinalaman sa bagong merkado na aming papasukin. Ang mga serbisyo na inilarawan sa kontrata ay minimal at generic na walang partikular na mga deliverables o timeline, ngunit ang success fees ay substantial at dapat bayaran nang hindi regular. Ano ang dapat kong gawin?
S. Ang mga di-tiyak na kasunduan ay maaaring gamitin upang isagawa ang mga di-legal na pagbabayad. Kapag walang deliverables, mahirap sukatin ang tunay na serbisyong ibinigay, dulot nito, na napapadali ang hindi pagdiskubre ng hindi etikal at ilegal na kilos. I-ulat ang mga alalahanin sa iyong people manager, Legal at Compliance o sa Speak Up.
May narinig ka bang may kaugnayan dito? Magsalita.
- “Panatilihin natin ito sa pagitan natin lamang.”
- “Maaari nating ayusin ito sa pamamagitan ng espesyal na kasunduan.”
- "Kailangan ko ng karagdagang bagay upang mapabilis ang prosesong ito."
- “Ang donasyon ay maglalagay sa iyo sa unahan ng listahan.”
Ang mga lihim na komisyon, pabor sa pinansyal, alok ng trabaho, regalo o donasyong pampulitika ay maaaring maging suhol. Kung ito ay tunog hindi mabuting pabor, malaki ang posibilidad na ito nga ay hindi mabuti I-ulat ito kaagad.
Mga Sanggunian
Mag-click para sa karagdagang impormasyon at internal na mga mapagkukunan.

Kausapin ang iyong people manager, Human Resources o Legal & Compliance, o iulat ang iyong mga alalahanin sa ating Speak Up platform.
Kung mayroong mga katanungan tungkol sa ating Code, makipag-usap sa iyong people manager o sa Legal at Compliance.
Alamin pa
T. Maaari ba tayong magbigay ng donasyong pampulitika?
Ang mga batas sa halalan sa maraming hurisdiksyon ay nagbabawal sa mga kontribusyon ng mga korporasyon sa mga pulitikal na partido o kandidato. Pinagbabawal ng Nestlé ang mga kontribusyong kagaya nito, maliban sa mga gawa ng parent company sa Switzerland. Ang anumang kontribusyon o pagsalungat sa patakarang ito ay dapat aprubahan ng CEO at ng Chairman.
T. Paano naman ang mga scholarship, non-commercial sponsorships, charitable contributions o mga grant?
Paminsan-minsan, maaaring mag-alok ang Nestlé ng mga scholarship, grant, charitable contribution o non-commercial sponsorship upang suportahan ang agham, nutrisyon, pangangalaga sa kalusugan o iba pang mga layuning nakakabuti sa lipunan.
Ang mga ito ay hindi dapat gamitin upang magkaroon ng hindi tamang pakinabang ang Nestlé o maging kondisyonal sa pagsusulong ng ating mga produkto. Dapat sundin ang angkop na mga pamamaraan ng pagsusuri at pag-apruba, kabilang ang pagsusuri sa reputasyon ng tatanggap, nakaraang rekord at pagiging angkop para sa layunin pati na rin ang mga benepisyo sa lipunan.
Dapat kasangkot ang Corporate Affairs sa proseso ng pagsusuri at pagpili. Ang mga malalaking halaga ng donasyon ay dapat aprubahan ng Market Head o ibang itinalagang nakatataas na lider at nakadokumento sa sulat.
T. Paano natin mapipigilan ang iba na umakto nang di-nararapat sa ating ngalan?
Hindi kailanman gagamit ang Nestlé ng mga third party upang magbayad ng suhol o makisali sa korap na mga gawain. Kinakailangan kumilos nang may integridad at alinsunod sa mga batas laban sa suhol ang ating mga supplier, service provider, distributor, at mga third party na kumikilos sa ating ngalan.
Ang desisyon na bumili mula sa tiyak na supplier, makipag-ugnayan sa service provider o magtalaga ng komersyal na ahente o tagapamahagi, ay dapat sumunod sa tamang proseso ng due diligence. Kung maging malinaw o tila lumilitaw na ang isang third party ay nakikilahok sa di-nararapat o ilegal na mga gawain sa ating ngalan, ipaalam agad sa Legal at Compliance team.
T. Paano kung ang ating pisikal na kaligtasan ay nasa panganib malibang tayo ay magbayad ng suhol?
Sa hindi kanais-nais na pagkakataon na ang isang empleyado o affiliated third party ay nahaharap sa mga banta o potensyal na pisikal na pinsala kung sila ay tumangging magbayad ng suhol para sa Nestlé, ang kaligtasan ng ating mga tao ay ang prayoridad. Dapat ipaalam sa Legal at Compliance at Group Security sa lalong madaling panahon upang magsagawa ng angkop na mga hakbang.

Mga Sanggunian
Mag-click para sa karagdagang impormasyon at internal na mga mapagkukunan.

Kausapin ang iyong people manager, Human Resources o Legal & Compliance, o iulat ang iyong mga alalahanin sa ating Speak Up platform.
Kung mayroong mga katanungan tungkol sa ating Code, makipag-usap sa iyong people manager o sa Legal at Compliance.