Sorry, you need to enable JavaScript to visit this website.
Skip to main content

Kabanata 4: Integridad sa Negosyo 

 

Ating pinoprotektahan ang mga kumpidensyal na impormasyon 


 
Ang Paraan ng Nestlé

Mula sa pagbuo ng mga bagong format at flavor upang mapabuti ang sustainability at nutritional benefits, ating mas pinagyayaman ang pagpapakahulugan sa Nestlé bilang isang Good food, Good life na kumpanya. Ito rin ay nangangailangan ng maingat na pamamahala ng confidential at iba pang hindi-pampublikong impormasyon upang mapangalagaan ang competitive advantage ng Nestlé.

Ang pagbabahagi ng confidential na impormasyon nang walang pahintulot ay isang paglabag sa patakaran ng kumpanya at maaaring magdulot ng legal na mga kahihinatnan. Hindi kailanman hahanapin o gagamitin ng Nestlé ang proprietary o kumpidensyal na impormasyon mula sa mga empleyado na maaaring nakuha nila sa panahon ng kanilang dating trabaho.

 

Paano natin ito isinasabuhay, araw-araw
  • Unawain ang mga uri ng impormasyon na iyong pinamamahalaan at ang mga patakaran na naaangkop sa mga ito Humingi ng gabay kung hindi ka sigurado.
  • Magbahagi lamang ng confidential na impormasyon kung ikaw ay awtorisado na gawin ito. Kasama dito ang pagbabahagi sa social media at sa iyong mga kaibigan at pamilya maging ang panahon pagkatapos ng iyong pagtratrabaho sa Nestlé. Maging maingat din kapag nagbabahagi ng impormasyon sa loob man ng kumpanya.
  • Ipakita ang parehong pag-aalaga at pagrespeto sa pribado at kumpidensyal na impormasyon ng ating mga business partners, suppliers at kustomers.
  • Gumamit lamang ng mga software, teknolohiya, at mga information systems na aprubado ng Nestlé sa pagproseso ng anumang impormasyon ng kumpanya. Sundin ang pamamaraan sa seguridad ng data at protektahan ang lahat ng elektronikong kagamitan.
  • Iwasang talakayin ang kumpidensyal na impormasyon sa mga pampublikong lugar kung saan maaari kang mapakinggan ng ibang tao.
Pagsusuri ng ating Code

T. Malapit na naming ilunsad ang bagong produkto na matagal ko nang pinagtratrabahuhan sa loob ng ilang buwan. Sa inuman kasama ang dating mga kasamahan sa trabaho, biglang nabanggit sa pag-uusap ang paksa tungkol sa paglunsad ng bagong produktong ito. Pwede ko bang pag-usapan ito?

S. Kung ikaw ay nakikipag-usap sa mga tao sa labas ng kumpanya o sa pampublikong lugar, kasama na ang dating mga kasamahan sa trabaho, maging maingat na huwag talakayin ang anumang kumpidensyal na impormasyon kabilang ang impormasyon tungkol sa pagdedevelop ng produkto at paglulunsad nito. Sa pangkalahatan, iwasang ilantad ang anumang impormasyon na hindi pa isinasapubliko ng Nestlé.
 

Maraming halimbawa ang kumpidensyal na impormasyon. Narito ang ilan sa mga halimbawa:
  • Mga lihim pangkalakalan
  • Teknikal na kaalaman
  • Mga plano sa negosyo
  • Mga pag-unlad sa pananaliksik at pagpapaunlad (R&D)
  • Mga estratehiya sa marketing at pagpepresyo
  • Mga kaalaman tungkol sa konsyumer
  • Mga ideya sa inhenyeriya at pagmamanupaktura
  • Mga resipi o pormula ng produkto
  • Mga resipi o pormula ng produkto
  • Mga trademark at disenyo
  • Impormasyon tungkol sa sahod
  • Hindi inilalathalang datos pinansyal
worker

Mga Sanggunian

Mag-click para sa karagdagang impormasyon at internal na mga mapagkukunan.

qr-code-ph

Speak up

Kausapin ang iyong people manager, Human Resources o Legal & Compliance, o iulat ang iyong mga alalahanin sa ating Speak Up platform.

 

Kung mayroong mga katanungan tungkol sa ating Code, makipag-usap sa iyong people manager o sa Legal at Compliance.