Mahal na Kasamahan,
Nasa simula tayo ng isang bagong kabanata sa Nestlé, kung saan tayo'y mas nakatuon sa paglagay sa ating mga mamimili, kustomer, at ang ating mga empleyado sa puso ng lahat ng ating ginagawa.
Sa tulong at gabay ng ating layunin at pagpapahalaga, tayo ay mayroong pagkakataon na maging pinakamahusay sa industriya sa pamamagitan ng pagbibigay saya sa ating mga konsumer gamit ang ating kilalang mga produkto.
Ang ating Code of Business Conduct ay naririto upang gumabay sa panibagong kabanatang ito. Nagbibigay ito ng praktikal na gabay sa kung paano itaguyod ang mga pagpapahalaga at mga prinsipyo sa negosyo ng Nestlé, pati na rin gabay upang magtrabaho ayon sa mataas na pamantayan na ating inaasahan sa isa't isa.
Basahin ang Code. Pag-usapan ito kasama ang mga kasamahan sa trabaho. Itanong sa iyong people manager o sa isang miyembro ng Legal at Compliance team kung mayroong hindi maintindihan. Tayo'y kumikilos sa isang kumplikadong pandaigdigang kapaligiran, at mahalaga na ang ating trabaho ay nakaugat sa integridad at respeto. Mayroon tayong personal at kolektibong responsibilidad na gawin ang tama, araw-araw, saanman tayo kumikilos.
Kung ikaw ay nakakita o may hinihinalang kilos na labag sa ating Code o sa batas, kailangan mong magsalita o maglabas ng saloobin. Magtiwala na kung magbabahagi kayo ng tapat na mga alalahanin tungkol sa maling gawi sa Nestlé, ikaw ay pakikinggan. Nasa atin ang pagbuo ng hinaharap at tagumpay ng ating kumpanya. Sama-sama, tayo ang bumubuo ng Nestlé.
Paul Bulcke
Chairman
Philipp Navratil
Chief Executive Officer