Sorry, you need to enable JavaScript to visit this website.
Skip to main content

Kabanata 4: Integridad sa Negosyo 

 

Tayo'y nakikipagkompetensya nang mahigpit ngunit patas


 
Ang Paraan ng Nestlé

Naniniwala tayo sa kahalagahan ng kompetisyon. Lahat tayo ay mga konsumer ng mga produkto at serbisyo, at pinapahalagahan ang access sa pagpili ayon sa kalidad at presyo, pati na rin sa pagkakaiba-iba, inobasyon, at epekto sa kalikasan.

Ang Nestlé ay masigasig na nakikipagkumpitensya na sumusunod sa mga naaangkop na competition at antitrust laws sa buong mundo. Mayroon tayong mahigpit na mga proseso upang matiyak na nakikipagkumpitensya tayo nang independiyente at hindi nagsasagawa ng koordinasyon sa strategic at competitive na asal ng Nestlé sa iba pang mga kumpanya. Sa pamamagitan nito, pinoprotektahan natin ang ating reputasyon at iniingatan ang mataas na antas ng tiwala na mayroon ang mga konsumer, mga mamumuhunan at ang ating mga business partner.

 

 

Ang Nestlé ay masigasing na nakikipagkumpitensya na sumusunod sa mga naaangkop na competition at antitrust laws sa buong mundo.

Paano natin ito isinasabuhay, araw-araw
  • Maging pamilyar sa mga panganib ng kompetisyon na maaaring makaapekto sa iyong tungkulin. Gumamit ng mabuting pagpapasya at humingi ng gabay kung mayroon kang mga tanong o alalahanin tungkol sa potensyal na anti-kompetisyon na mga gawain.
  • Huwag kailanman sumang-ayon, pormal o di-pormal, sa iba pang mga kumpanya upang:

     - itaas ang sahod o presyo (pagbili o pagbebenta)

     - maglaan o mag-blacklist ng mga kustomer o supplier o hatiin ang teritoryo o mga merkado ng produkto

     - sumali sa anumang anyo ng bid rigging

     - hadlangan ang labor market o hadlangan ang bagong mga kakompetensya

  • Maging mapagmatyag kapag nakikipag-ugnayan sa mga kakompetensya, kabilang ang legal na mga pakikipagtulungan at kapag nakikilahok sa mga trade associations at katulad na mga forum. Iwanan ang diskusyon kung kinakailangan. Tandaan, nakikipagkumpitensya ang Nestlé sa mga kumpanyang nagbebenta ng katulad na mga produkto sa mga konsumer, tulad ng kape, at nakikipagkumpitensya rin tayo sa mga kumpanyang bumibili ng mga materyales tulad ng packaging na kailangan para maipadala ang ating mga produkto sa merkado.
  • Magtipon ng impormasyon sa merkado nang may etika at naaayon sa batas. Huwag makipagpalitan ng kumpidensyal na impormasyon sa ibang kumpanya nang walang legal na dahilan at angkop na legal framework.
chemister

Mga Sanggunian

Mag-click para sa karagdagang impormasyon at internal na mga mapagkukunan.

qr-code-ph

Speak up

Kausapin ang iyong people manager, Human Resources o Legal & Compliance, o iulat ang iyong mga alalahanin sa ating Speak Up platform.
 

Kung mayroong mga katanungan tungkol sa ating Code, makipag-usap sa iyong people manager o sa Legal at Compliance.