Kabanata 4: Integridad sa Negosyo
Tayo ay responsable sa pagtanggap at pagbibigay ng regalo, mga iba't ibang libangan, at ang pagpapakita ng pagiging mapagpatuloy
Ang Paraan ng Nestlé
Tayo ay naniniwala sa pagpapatakbo ng negosyo nang may kalinawan, katapatan, at integridad. Ang ating relasyon sa mga business partner ay dapat parating malaya mula sa maling impluwensya.
Ang mga hindi akmang regalo, entertainment o hospitality ay maaaring magdulot sa iba na magtanong tungkol sa ating mga pagpapahalaga. Kahit na walang masamang hangarin, ang pag-aalok o pagpapalitan ng regalo ay maaaring ituring na isang anyo ng suhol at maaaring magdala ng seryosong mga kahihinatnan.
Paano natin ito isinasabuhay, araw-araw
- Hindi natin hinahayaan ang pagpapalitan ng mga regalo, mga libangan at mga pagpapakita ng pagkamapagpatuloy.
- Kung ang mga tradisyon sa kultura o lokal na gawi ay nangangailangan ng kanilang palitan, gumamit ng mabuting paghatol at tiyakin na ang mga ito ay katamtaman, makatuwiran, at konektado sa isang lehitimong layunin.
- Sumunod sa lokal na patakaran at mga limitasyon sa halaga at sundin ang mga patakaran para sa pagpapaalam at pagpaparehistro ng mga regalo, mga libangan at mga pagpapakita ng pagkamapagpatuloy. Kung walang gayong patakaran na magagamit, dapat sundin ang minimum requirements at ang pinakamahigpit na lokal na gawi.
- Huwag mag-aalok o tatanggap ng anumang regalo, entertainment o hospitality na nasa anyo ng pera, utang, kickbacks o iba pang katumbas ng pera, anuman ang kanilang halaga.
Pagsusuri ng ating Code
T. Nakatanggap ako ng imbitasyon mula sa isa sa aming mga supplier na sumali sa kanila sa luxury hospitality box sa isang championship sporting event. Ang halaga ng mga tiket ay lumalampas sa limitasyon ng halaga sa aking merkado, ngunit kung tatanggihan ko ito, maaari kong masaktan ang damdamin ng aming supplier. Ano ang dapat kong gawin?
S. Kung ang halaga ng regalo ay lumampas sa lokal na limitasyon ng halaga, isaalang-alang ang pagtanggi dito. Kung sa tingin mo ay makaaapekto ito sa relasyon sa negosyo, kumunsulta sa iyong people manager at Legal and Compliance para sa payo kung paano magpatuloy at sundin ang lokal na mga pamamaraan.
Ano ang mga patakaran sa mga regalo at entertainment para sa mga pampublikong opisyal?
Ang mga regalo at entertainment na inihahandog sa mga pampublikong opisyal ay madaling maituturing na suhol kung kaya ay kinakailangang maingat na kontrolin. Dapat sundin ang mga patakaran at kumuha ng pahintulot mula sa Market Head o iba pang itinalagang senior leader bago mag-alok ng anumang regalo sa mga opisyal ng gobyerno, o kanilang mga kaanak o iba pang malalapit na kasamahan.
Walang anumang regalo, kabilang ang mga produkto ng Nestlé, ang maaaring i-alok sa anumang awtoridad o opisyal ng gobyerno sa konteksto ng isang desisyon na nakabinbin na nakakaapekto sa Nestlé.

Mga Sanggunian
Mag-click para sa karagdagang impormasyon at internal na mga mapagkukunan.

Kausapin ang iyong people manager, Human Resources o Legal & Compliance, o iulat ang iyong mga alalahanin sa ating Speak Up platform.
Kung mayroong mga katanungan tungkol sa ating Code, makipag-usap sa iyong people manager o sa Legal at Compliance.