Sorry, you need to enable JavaScript to visit this website.
Skip to main content

Kabanata 4: Integridad sa Negosyo 

 

Ating iniiwasan at inihahayag ang mga conflicts of interest


 
Ang Paraan ng Nestlé

Ang Nestlé ay kumpanyang puno ng mga masisigasig na empleyado na may mga relasyon at pakikisangkot sa labas ng trabaho.

Gayunpaman, kung ang ating personal na interes ay makikipagtunggalian sa interes ng Nestlé, maaaring magkaroon ng mga conflict of interest. Sa mga sitwasyon iyon, maaaring maging mahirap na tuparin ang ating responsibilidad na kumilos nang buong-buo para sa sa kapakanan at ikabubuti Nestlé. Ang pagkakaroon ng conflict-of-interest ay maaaring makasira sa reputasyon ng Nestlé at magdulot ng kawalan ng tiwala ng iba sa ating kumpanya.

 

 

Ang pagkakaroon ng conflict-of-interest ay maaaring makasira sa reputasyon ng Nestlé at magdulot ng kawalan ng tiwala ng iba sa ating kumpanya.

Paano natin ito isinasabuhay, araw-araw
  • Maging tapat at totoo patungkol sa mga sitwasyon ng conflict-of-interest. Kung may mga umiiral na conflict-of-interest, tila may mga conflict-of-interest, o kung saan maaaring magkaroon ng mga ito, ipahayag agad sa iyong people manager o Legal and Compliance, at sundin ang mga lokal na pamamaraan upang ang mga conflict-of-interest ay mapamahalaan.
  • Huwag hayaang maapektuhan ng personal na konsiderasyon, tulad ng mga pakikisangkot sa labas, pinansyal na interes, o personal na relasyon, ang iyong mga desisyon sa Nestlé. Bumitiw sa anumang proseso ng pagdedesisyon kung sa tingin mo na ang iyong paghatol ay maaaring makompromiso.
  • Isagawa lamang ang iyong mga pakikisangkot sa labas kung hindi ito makakaapekto sa iyong mga responsibilidad sa Nestlé o sa paglikha ng panganib sa kumpanya.

 

Pagsusuri ng ating Code

T. Nagbukas ng bakanteng posisyon sa Nestlé at ang aking pinsan ay kwalipikado para dito Maaari ko ba siyang irekomenda para sa posisyon? 

S. Kung ang iyong pinsan ay may mga kwalipikasyon, kasanayan, at karanasan na naaayon sa posisyon, oo, maaari mo siyang i-rekomenda. Tiyakin lamang na ihayag ang iyong relasyon upang maiwasan ang anumang anyo ng conflict-of-interest at siguruhin na hindi ka kasali sa proseso ng pag-aaplay. Kung makuha nito ang posisyon, dapat ring tiyakin na wala kang direct reporting relationship sa kaniya Kung sakaling magkakaroon ng indirect reporting relationship, maaaring kailanganin ang angkop na mga hakbang sa mitigation measures.

people

Mga Sanggunian

Mag-click para sa karagdagang impormasyon at internal na mga mapagkukunan.

qr-code-ph

Speak up

Kausapin ang iyong people manager, Human Resources o Legal & Compliance, o iulat ang iyong mga alalahanin sa ating Speak Up platform.

 

Kung mayroong mga katanungan tungkol sa ating Code, makipag-usap sa iyong people manager o sa Legal at Compliance.

Alamin pa

Maraming mga sitwasyon ang maaaring magdulot ng potensyal na conflicts of interest. Matutong matukoy ang mga conflict upang maiwasan ito kung mangyari man, ipahayag agad ang mga ito sa pamamagitan ng conflict-of-interest procedure.

 

Outside directorships o external positions: Maaaring kasama dito ang paglilingkod sa iba pang mga organisasyon bilang miyembro ng board, miyembro ng tagapayo, opisyal, empleyado, partner o consult.

Maaaring pahintulutan ang mga ito hangga't hindi ito nakakaapekto sa ating mga responsibilidad o lumilikha ng panganib sa reputasyon at interes ng Nestlé, at may pahintulot mula sa iyong Market Head o Head ng GMB/functional unit. Ang board memberships sa mga publicly listed na kumpanya ay kinakailangang magkaroon ng pahintulot mula sa CEO. Habang ang Executive Board members ay kinakailangang magkaroon ng pahintulot mula sa CEO, Chairman, at Nomination Committee of the Board

 

Mga pamilya at close associates: Maaaring kasama dito ang pag-hire o pag-promote ng mga miyembro ng pamilya, partners o close associates sa loob ng Nestlé. Kasama rin dito ang pakikipag-ugnayan sa business partner sa mga trabahong may nakapaloob na pinansyal na interes. Maaari rin itong mangyari kapag ang iyong pinagtratrabahuhan ay direktang kakumpitensya ng kumpanya

Dapat nating ideklara ang lahat ng mga sitwasyong ito at bumitiw sa anumang desisyon na may kinalaman sa ganitong mga relasyon. Ang mga pahayag ay susuriin at pamamahalaan sa pamamagitan ng mga angkop na mitigation measures.

Ang direct reporting relationship sa pagitan ng mga miyembro ng pamilya, mga partners, at close associates ay hindi pinahihintulutan. Ang indirect reporting lines ay dapat i-deklara at pamahalaan nang naaayon sa case-by-case basis.

Ang bawat desisyon na ginagawa natin sa Nestlé ay dapat na patas at tapat, sumusunod sa mga aprubadong pamamaraan nang walang pagkiling batay sa personal na interes, kabilang ang interes ng mga miyembro ng pamilya o malalapit na kaibigan.

Mga oportunidad sa negosyo: Maaring kasama dito ang bayad na pagtratrabaho para sa isang kakompetensya, kustomer, supplier o business partner o pagsamantala sa mga oportunidad sa negosyo kasama ang Nestlé o iba pang mga negosyo na natuklasan habang nagtatrabaho.

Ang bawat isa sa atin ay dapat na lubos na nakatuon sa pagsulong at pagpapaunlad ng negosyo ng Nestlé. Sa anumang pagkakataon, hindi tayo dapat makilahok o makipag-ugnayan sa mga kakompetensya ng kumpanya, direkta man o hindi. Ang bagong oportunidad sa negosyo na natuklasan habang nagtratrabaho sa Nestlé ay dapat ipaalam sa iyong people manager. Maaari kang pahintulutan na ituloy ang pagkakataon na ito kung papayagan ng kumpanya, at kung ito ay hindi makakaapekto sa iyong kasalukuyang responsibilidad sa Nestlé. Dapat mo ring ipaalam sa iyong people manager kung nais mong maging isang supplier sa Nestlé sa pamamagitan ng isang hiwalay na personal na negosyo.

 

Pinansyal na interes: Maaaring kasama dito ang pagkakaroon ng malaking interes sa pinag-aagawang kumpanya, supplier o iba pang business partner ng Nestlé. Bago sumailalim sa anumang interes na pinansiyal ng ganitong uri, ideklara ito at humiling ng pahintulot.

 

Iba pang mga aktibidad sa labas: Maaaring isama dito ang pagtanggap ng mga bayad mula sa mga supplier, kustomer, business partner, o iba pang third party para sa pagbibigay ng impormasyon, o pakikilahok sa mga kaganapan o speaking engagements.

Ang ating kasanayan, kaalaman, at karanasan ay ilan sa pinakamahalagang ari-arian sa Nestlé. Bagaman ang pakikilahok sa mga kaganapan at mga pag-uusap ay maaaring magkaroon ng positibong epekto sa reputasyon ng Nestlé at nagbibigay-daan sa atin na makipag-ugnayan sa iba hinggil sa mahahalagang isyu, iwasan ang pagtanggap ng bayad sa mga ganitong pakikisangkot kapag ikaw ay nakikilahok bilang kinatawan ng Nestlé. Kung ikaw ay nakikilahok sa isang kaganapan na may kinalaman sa negosyo sa personal na kapasidad, ipaalam sa iyong people manager at tiyakin na ang iyong pakikilahok ay hindi magdudulot ng mga panganib sa reputasyon ng Nestlé. Huwag kailanman magbahagi ng pribadong impormasyon.

Tanungin ang iyong sarili

Itanong sa iyong sarili ang mga tanong na ito kung hindi ka sigurado na ikaw ay nasa isang potensyal na sitwasyon ng conflict-of-interest:

 

  • Makakatanggap ba ako, mga miyembro ng pamilya o malalapit na kaanak ng anumang hindi pinaghirapang benepisyo o pakinabang mula sa sitwasyong ito?
  • Magmumukha ba itong conflict of interest sa iba?
  • Maaaring makaapekto ba ang sitwasyong ito sa aking paghatol sa anumang paraan?
  • Magiging hindi ba ako komportable kung nalaman ng aking mga kasamahan, aking manager o ng publiko ang tungkol sa sitwasyong ito? 
 
Kung ang sagot sa alinman sa mga tanong na ito ay "oo" o "hindi ako sigurado", makipag-usap sa iyong people manager.