Kabanata 4: Integridad sa Negosyo
Ating nilalabanan ang money laundering at terrorism financing
Ang Paraan ng Nestlé
Kahit saanman tayo nagnenegosyo, sumusunod ang Nestlé sa mga naaangkop na batas sa paglaban sa money laundering at terrorism financing, at layunin lamang na makipag-negosyo sa mga mapagkakatiwalaang at reputable na kasosyo. Hindi magkakaroon ng anumang kaugnayan ang Nestlé sa mga krimeng ito.
Paano natin ito isinasabuhay, araw-araw
- Bago pumasok sa anumang ugnayang pangnegosyo, siguruhin munang kilalanin nang mabuti kung kanino nakikipag-ugnayan. Sundin ang mga pamamaraan sa pagsusuri at due diligence na may kinalaman sa iyong tungkulin at sa third party.
- Siguruhing ang mga bayad ay ibinibigay lamang sa mga lehitimong indibidwal o kumpanya. Huwag gumamit ng hindi pinahihintulutang intermediaries o third-party accounts para sa mga transaksyon.
- Maging pamilyar sa mga red flags na may kaugnayan sa money laundering at terrorism financing, at iulat agad ang anumang alalahanin.
Pagsusuri ng ating Code
T. Ang isang supplier ay biglaang humiling na bayaran siya sa ibang account kaysa sa karaniwan, at ang account na ito ay nasa ibang bansa. Ito ba ay panganib?
S. Maging mapagmatyag kapag nakatanggap ng mga detalye ng bangko mula sa isang supplier na may hiling na bayaran ang account na nasa sa ibang bansa kaysa sa karaniwan, lalo na kung itinuturing itong isang tax haven. Maaaring magmungkahi ito ng panganib ng fraud o money laundering. Kung mayroon kang anumang pag-aalinlangan, huwag magpatuloy sa pagbabayad at humingi ng gabay mula sa iyong people manager o Procurement contact.
May nakitang anomalya? Magsalita.
Kung tila hindi etikal, malaki ang posibilidad na hindi nga ito etikal. Ang mga sumusunod ay mga red flag na may kaugnayan sa money laundering at terrorism financing
- Mga kahilingan na makipagtransaksyon ng cash
- Di-karaniwang mataas na bilang ng transaksyon
- Mga kahilingan para sa di-karaniwang paglilipat ng pondo papunta o galing sa ibang bansa
- Mga katuwang na may opaque o overly complex ownership structures
- Biglaan o di-makatuwirang pagbabago sa mga tagubilin ng pagbabayad
- Mga kahilingan na tumanggap mula sa o magbayad sa mga bank account sa ibang bansa
- Mga kahilingan na gumamit ng exchange house

Mga Sanggunian
Mag-click para sa karagdagang impormasyon at internal na mga mapagkukunan.

Kausapin ang iyong people manager, Human Resources o Legal & Compliance, o iulat ang iyong mga alalahanin sa ating Speak Up platform.
Kung mayroong mga katanungan tungkol sa ating Code, makipag-usap sa iyong people manager o sa Legal at Compliance.