Sorry, you need to enable JavaScript to visit this website.
Skip to main content

Kabanata 2: Ang ating mga konsumer 

 

Ating isinusulong ang kalidad at kaligtasan ng mga produkto


 
Ang Paraan ng Nestlé

Ang brand ng Nestlé ay dapat sinisiguro sa ating mga konsumer na ang ating mga produkto ay ligtas at ang may pinakamataas na kalidad.

Ang ating pangako sa kahusayan sa kaligtasan at kalidad ng produkto ay dumaraan sa bawat sulok ng ating kumpanya: mula sa disenyo at pagmamanupaktura hanggang sa paghahatid ng produkto, hanggang sa karanasan ng mamimili at maging sa serbisyo pagkatapos ng benta. Ating tinataguyod at pinauunlad ang kultura ng kaligtasan at kalidad ng produkto saanmang lugar tayo nagnenegosyo.

 

 

Ating tinataguyod at pinauunlad ang kultura ng kaligtasan at kalidad ng produkto saanmang lugar tayo nagnenegosyo.

Paano natin ito isinasabuhay, araw-araw
  • Ang kaligtasan ng produkto, kalidad, at pagsunod ay ang mga bunga ng ating mga aksyon.Unawain at isagawa ang ating mga alituntunin sa kaligtasan at kalidad, mga patakaran at pamantayan, kahit walang nakakakita.
  • Huwag kailanman magtangka ng mga panganib o isakripisyo ang kaligtasan ng ating mga produkto. Ang tila maliit na bagay ay maaaring magkaroon ng kritikal na epekto sa kaligtasan ng produkto.
  • Kung nakakita ka ng mali, magsalita. Sa pamamagitan ng pagkilos upang pigilan o lutasin ang isang isyu, ikaw ay tumutulong sa pagpapanatili ng tiwala ng konsumer at sa pagprotekta sa reputasyon ng Nestlé.

 

Pagsusuri ng ating Code

T. Sa simula ng aking shift, napansin ko na hindi nagsagawa ng metal detector checks sa nakalipas na tatlong oras, kahit na ang standard protocols ay nagsasabing kailangan itong gawin bawat oras. Ano ang dapat kong gawin?

S. Ang hindi pagsunod sa ating mga pamantayan o pamamaraan ay maaaring makaapekto sa kaligtasan ng produkto. Agad na iulat ang iyong natuklasan sa iyong supervisor para magabayan sa karagdagang aksyon na dapat gawin.  
 

T. Dahil sa limitasyon sa oras, hindi maisasagawa ang komprehensibong pag--aaral sa shelf-life ng mga produkto para sa aking proyekto, kung kaya't tinukoy ko ang shelf-life batay sa datos mula sa katulad na mga produkto. Kaugnay nito, ang mga reklamo ng mga konsumer ay nagsasaad ng potensyal na mas maikling shelf-life kaysa sa inaasahan. Ano ang dapat kong gawin?

S. Ang kaligtasan at kalidad ng produkto ay nagsisimula sa design phase. Dapat kumilos upang imbestigahan ang sanhi ng mga reklamo at alamin kung may kaugnayan ito sa depekto sa disenyo ng produkto upang matukoy natin ang solusyon.

research

Mga Sanggunian

Mag-click para sa karagdagang impormasyon at internal na mga mapagkukunan.

 

qr-code-ph

Speak up

Kausapin ang iyong people manager, Human Resources o Legal & Compliance, o iulat ang iyong mga alalahanin sa ating Speak Up platform.
 

Kung mayroong mga katanungan tungkol sa ating Code, makipag-usap sa iyong people manager o sa Legal at Compliance.