Sorry, you need to enable JavaScript to visit this website.
Skip to main content

Kabanata 4: Integridad sa Negosyo 

 

Ating pinapanatili ang angkop na mga talaan at hinahadlangan ang anumang uri ng panloloko


 
Ang Paraan ng Nestlé

Kapag nagplaplano tayo para sa ating hinaharap; kapag gumagawa ng desisyon ang mga investors; kapag sinusuri ng mga stakeholder ang epekto ng Nestlé sa buhay ng mga tao at sa hinaharap ng pagkain: kailangan ng tapat at tamang impormasyon upang magbigay ng totoong pananaw sa ating mga transaksyon at operasyon, at sa mga pagkakataon at hamon na hinaharap bilang isang kumpanya.

Ang bawat isa sa atin ay may responsibilidad na tiyakin ang kaangkupan ng mga talaan sa negosyo, pinansyal at hindi pinansyal na ating pinamamahalaan, kabilang ang mga accounts, inventories, purchase orders, sales invoices, goods received notifications, contracts, sales forecasts, expense reports, KPIs, timesheets at iba pa Ang maling paglalarawan o di-makatotohanang gawain na may kinalaman sa pekeng pagrerekord o pag-uulat ay ipinagbabawal.

 

 

Ang bawat isa sa atin ay may responsibilidad na tiyakin ang kaangkupan ng mga talaan sa negosyo, pinansyal at hindi pinansyal na ating pinamamahalaan.

Paano natin ito isinasabuhay, araw-araw
  • Sundan ang mga internal na proseso at patakaran upang ang mga talaan ay magpakita ng mga transaksyong malinaw, wasto at kumpleto.
  • Huwag kailanman gumawa ng mga pekeng pahayag, maling paglalarawan ng katotohanan o makisangkot sa mapanlinlang na gawain na may kinalaman sa Nestlé o anumang third party.
  • Kung ikaw ay may responsibilidad sa pag-uulat ng mga pampinansyal o hindi pampinansyal na datos, siguruhing ang mga ito ay makatarungan at tama at naayon sa mga naaangkop na patakaran at pamantayan ng Nestlé.

 

Pagsusuri ng ating Code

T. Natanggap ko ang isang delivery mula sa isang matagal nang supplier at ilan sa mga order ay tila nawawala. Nagtanong sila kung maaari kong pirmahan ang delivery note, at sinasabing dadalhin na lamang nila ang natitirang bahagi ng order sa susunod na araw. Ano ang dapat kong gawin? 

S. Ang pagpirma ng hindi angkop na resibo o delivery notes ay isang anyo ng panlolokofraud. Ito ay maaaring makasira sa reputasyon ng Nestlé at maglagay sa iyo sa panganib ng mga aksyong disiplinaryo at posibleng legal na mga kahihinatnan. Mangyaring hilingin sa supplier na kumpletuhin ang delivery note na katugma sa bilang ng idine-liver. Kung mayroon kang suspetsa na ang supplier ay may layuning sadyang lokohin ang Nestlé, ipaalam ito sa iyong people manager o sa Legal at Compliance team.

communication

Mga Sanggunian

Mag-click para sa karagdagang impormasyon at internal na mga mapagkukunan.

qr-code-ph

Speak up

Kausapin ang iyong people manager, Human Resources o Legal & Compliance, o iulat ang iyong mga alalahanin sa ating Speak Up platform.

 

Kung mayroong mga katanungan tungkol sa ating Code, makipag-usap sa iyong people manager o sa Legal at Compliance.