Sorry, you need to enable JavaScript to visit this website.
Skip to main content

Kabanata 3: Ang ating mga empleyado at ang ating value chain 

 

Ating itinataguyod ang karangalan ng bawat tao at iginagalang ang karapatang pantao


 
Ang Paraan ng Nestlé

Ang paggalang sa karapatang pantao ay isa sa ating mga pangunahing pagpapahalaga. Mula sa magsasaka na nagtatanim ng pananim, hanggang sa mga manggagawa sa ating supply chain, sa ating mga kasamahan, mga konsumer, at mga kustomer, at sa lahat ng naaapektuhan, tayo ay nagsusumikap tungo sa isang makatarungang transisyon na mas mahusay na nagbibigay ng kakayahan sa mga tao na suportahan ang kanilang sarili at kanilang pamilya.

Iniingatan at itinataguyod natin ang karapatang pantao sa kabuuan ng ating value chain na naaayon sa United Nations Guiding Principles at sa Ten Principles of the UN Global Compact. Nagsusumikap tayo na mapanatili ang pakikipag-usap sa mga stakeholder tungkol sa ating mga pagsisikap na mabawasan at matugunan ang mga pinsala, na may pokus sa mga vulnerable groups. Inaasahan natin na ang ating mga supplier at mga business partner ay magpapanatili ng katulad na pamantayan at pamamahalaan ang mga panganib sa kabuuan ng kanilang value chains

 

Mga isyu sa karapatang pantao na ating prayoridad
  • Child labor at access sa edukasyon
  • Sapat na kita at makatarungang sahod
  • Pagkakapantay-pantay ng kasarian, walang diskriminasyon at walang panliligalig
  • Kaligtasan at kalusugan sa trabaho
  • Malayang pag-oorganisa at collective bargaining
  • Karapatan sa tubig at sanitasyon
  • Karapatan sa lupa ng mga katutubong mamamayan at lokal na pamayanan
  • Proteksyon ng Data at Privacy
  • Karapatan sa pagkain at access sa masustansya, abot-kaya, at sapat na pagkain
Paano natin ito isinasabuhay, araw-araw
  • Maging pamilyar sa ating mga pangako sa karapatang pantao tulad ng inilalarawan sa Nestlé's Human Rights Policy, Framework at Roadmap.
  • Gamitin ang pananaw ng karapatang pantao sa inyong mga gawain at pagpapasya sa trabaho. Maging mapanuri sa mga kondisyon sa trabaho ng mga taong iyong nakakasalamuha sa loob at labas ng kumpanya, at kung paano maaaring makaapekto sa mga tao at komunidad ang mga desisyon sa negosyo na isiginawa mo bilang bahagi ng kumpanya.
  • Tukuyin ang anumang panganib sa karapatang pantao at mga patakaran na maaaring naaangkop sa iyong mga gawain, lalo na kapag pinag-iisipan ang bagong mga supplier, produkto, business processes, o partnerships.

Pagsusuri ng ating Code

T. Nang bumisita kami sa isang supplier, ako ay nagulat nang mapansin na ang ilang manggagawa ay tila mga kabataan. Maaaring sila'y hindi pa saklaw ng edad na maaari nang magtrabaho. Ano ang dapat kong gawin?

S. Ang child labor ay isang seryosong alalahanin. Kung may suspetsa ka na may mali sa isa sa ating mga supplier, kustomer o business partner, humingi ng gabay mula sa iyong people manager o Legal and Compliance, o iulat ito sa pamamagitan ng Speak Up. Bawat isa sa atin ay dapat gawin ang kaniyang bahagi upang itaguyod ang karapatang pantao sa Nestlé at tiyakin na ang bawat isa sa ating value chain ay itinatrato nang may dignidad at paggalang.

person

Mga Sanggunian

Mag-click para sa karagdagang impormasyon at internal na mga mapagkukunan.

qr-code-ph

Speak up

Kausapin ang iyong people manager, Human Resources o Legal & Compliance, o iulat ang iyong mga alalahanin sa ating Speak Up platform.

 

Kung mayroong mga katanungan tungkol sa ating Code, makipag-usap sa iyong people manager o sa Legal at Compliance.