Sorry, you need to enable JavaScript to visit this website.
Skip to main content

Kabanata 1: Tungkol sa ating Code 

 

Speak Up


 
Ang pagpapanagot sa Nestlé ayon sa mataas na pamantayang integridad na hinihingi natin sa ating mga sarili ay responsibilidad nating lahat. Ang Nestlé ay aktibong nagtataguyod ng isang kultura kung saan ang mga empleyado ay kumportable na makapagpahayag ng kanilang saloobin tungkol sa anumang bagay. 
 

Sa pagkakataong may makitang paglabag sa ating Code, o kung tayo ay hihilinging gawin ang isang bagay na hindi tugma sa ating mga pagpapahalaga, sa ating Code o Corporate Business Principles, patakaran ng kumpanya o batas, kinakailangan nating magsalita.

 

May ilang paraan upang magsalita o maglahad ng saloobin sa Nestlé:
  • Pag-usapan ang anumang alalahanin sa iyong people manager, Human Resources o sa Legal at Compliance team.
  • I-ulat ang iyong alalahanin sa pamamagitan ng confidential na Speak Up system ng Nestlé. Ito ay pinapatakbo ng isang independent third party at magagamit 24 oras, araw-araw, mula sa anumang lokasyon. Maaaring i-sumite ang mga ulat nang hindi pinapangalanan kung pinahihintulutan ng batas.

Kung nagsumite ka ng ulat, maaaring makipag-ugnayan sa iyo para sa karagdagang impormasyon. Isasagawa ang isang patas at walang kinikilingang imbestigasyon, at ikaw ay mananatiling may alam sa loob ng mga limitasyon ng confidentiality at privacy. Ang mga empleyado ay dapat makipagtulungan sa mga pag-iimbestiga hinggil sa posibleng maling gawain.

Ang ating Speak Up system ay bukas sa mga empleyado ng Nestlé pati na rin sa mga panlabas na stakeholders. 

Pangangalaga ng confidentiality at no retaliation 

Kung mag-uulat ng posibleng maling gawain nang may mabuting hangarin, gagawin namin ang lahat ng aming makakaya upang protektahan ang iyong confidentiality, kasama ang pagsasagawa ng isang komprehensibong imbestigasyon. Hindi ka parurusahan kung ang iyong ulat ay magiging mali. Pangangalagaan din namin ang karapatan ng sinumang naidawit.

Ang paghihiganti laban sa sinumang nagpasa ng ulat nang may mabuting hangarin ay mahigpit na ipinagbabawal. Ang sadyang pag-uulat ng maling impormasyon ay hindi katanggap-tanggap at saklaw ng aksyong disiplinaryo. Maaari rin itong magdulot ng sibil o kriminal na aksyon.

 

Ano ang retalyasyon o paghihiganti? 

Ang retalyasyon o paghihiganti ay anumang hindi magandang asal o hindi pabor na pagtrato sa isang indibidwal bilang tugon sa kanilang pagpapahayag ng alalahanin o pakikilahok sa isang imbestigasyon. Maaari itong maging anyo ng mga banta, pagtanggi na magbigay ng pagtaas sa sahod o promosyon, demosyon o pagbubukod sa grupo. Kung naniniwala ka na ikaw o ang iba ay pinaghiganithan laban sa pagsasaad ng isang alalahanin, ipahayag ang iyong saloobin. Hindi hinahayaan ng Nestlé ang anumang anyo ng retalation laban sa sinumang nagbabahagi ng alalahanin nang may mabuting hangarin.

 

qr-code-ph

Speak up

Kausapin ang iyong people manager, Human Resources o Legal & Compliance, o iulat ang iyong mga alalahanin sa ating Speak Up platform. 

person