Sorry, you need to enable JavaScript to visit this website.
Skip to main content

Kabanata 1: Tungkol sa ating Code 

 

Paano gamitin ang ating Code


 
Ang Code of Business Conduct (the ‘Code’) ay nagtatakda ng mga pamantayan ng asal na inaasahan sa bawat isa sa lahat ng ating ginagawa. 
 

Bagaman hindi kayang maibigay ng Code ang sagot sa bawat sitwasyon, ibinabalangkas nito ang mga gabay sa ating pagkilos nang may integridad at sa paggawa ng mabuti at etikal na desisyon sa Nestlé. Nagbibigay din ito ng mga mahahalagang sanggunian at nagmumungkahi kung kanino makikipag-usap kung mayroong alalahanin o kailangang karagdagang gabay. Ang ating Code ay palagiang sinusuri at inaayon kung kinakailangan. 
 

Ito ang mga 'golden rules' para sa bawat isa sa atin sa Nestlé:
  • Alamin ang Code at unawain kung paano ito naaangkop sa ating mga tungkulin.
  • Kumilos nang may respeto, etika, at katapatan sa lahat ng ating ginagawa.
  • Maging pamilyar sa mga batas at regulasyon na naaangkop sa ating negosyo.
  • Iwasan ang anumang gawain na maaaring magdulot ng pinsala sa Nestlé o sa reputasyon nito.
  • Kumpletuhin ang mga naangkop at kinakailangang pagsasanay.
  • Humingi ng gabay kung hindi tiyak sa isang desisyon o aksyon.
  • Magsalita kung may pinaghihinalaang hindi tama.

 

Mga tagapamahala ng tao  
 

Bilang isang people manager, inaasahan na ikaw ay magiging halimbawa sa lahat ng iyong ginagawa. 

  • Pag-usapan ang Code at paalalahanan ang iyong grupo na ang mga resulta ng negosyo ay dapat laging nakakamit nang may integridad. Ang kung paano natin nakakamit ang ating mga layunin ay kasing halaga ng kung ano ang ating makakamit.
  • Siguruhing ang iyong grupo ay may kaalaman sa mga panganib na maaaring harapin nila sa kanilang mga tungkulin at kung paano pamahalaan ang mga ito.
  • Siguruhing nakukumpleto ng mga miyembro ng iyong grupo ang kanilang mga kinakailangang pagsasanay.
  • Pagyamanin ang kultura ng pagsunod sa pamamagitan ng pagpapadali sa mga naaangkop na batas at regulasyon sa iyong grupo. Maging handa upang sagutin ang mga tanong at alamin kung saan sasangguni para sa mga sagot kung kinakailangan.
  • Isulong ang respeto, pagtitiwala, at pagsasama-sama kung saan ang lahat ay nakakaramdam ng kumpiyansa at suporta na magsalita.

 

Para kanino naaangkop ang ating Code?  

Ang pagsunod sa Code ay para sa lahat ng mga empleyado ng Nestlé, kabilang ang ating Executive Board, mga senior leader, mga people manager, mga empleyado at mga temporary agency workers. Ito rin ay naaangkop sa ating Board of Directors at sa lahat ng empleyado ng mga subsidiary companies ng Nestlé Group.

Inaasahan na susunod ang ating mga supplier at mga business partner na sundin ang katumbas na pamantayan ng etikal na gawi na nakasaad sa Nestlé Responsible Sourcing Core Requirements at ang ating Corporate Business Principles.

Worker