Kabanata 3: Ang ating mga empleyado at ang ating value chain
Ating maingat na kinukuha ang mga kinakailangang materyales at nagsusumikap na protektahan ang planeta
Ang Paraan ng Nestlé
Ang natatanging posisyon ng Nestlé bilang pinakamalaking kumpanya sa industriya ng food and beverage ay nagbibigay sa atin ng pagkakataon na magkaroon ng positibong epekto sa mga tao, komunidad, klima at sa hinaharap ng mga ekosistema ng pagkain.
Sa ating sariling negosyo, layunin nating magkaroon ng positibong epekto sa planeta sa pamamagitan ng pagsusumikap tungo sa net zero greenhouse gas emissions, isang mas circular na ekonomiya na kung saan maaaring mag-recycle ng packaging, at magpamalas ng mabisang paggamit ng mga mapagkukunan. Atin ring ipinatutupad ang Responsible Sourcing Core Requirements sa kabuuan ng ating value chain, habang itinataguyod ang isang makatarungang transisyon at ang pag-unlad ng mga regenerative food systems at scale.
Layunin nating magkaroon ng positibong epekto sa planeta sa pamamagitan ng pagsusumikap tungo sa net zero greenhouse gas emissions.
Paano natin ito isinasabuhay, araw-araw
- Maging mapanuri sa kung paano ang iyong mga aksyon sa trabaho ay nakakaapekto sa ating carbon footprint pati na rin sa likas na kapaligiran. Mag-reduce, reuse, at recycle kung maaari at magsagawa ng mga hakbang upang bawasan ang negatibong epekto hangga't maaari.
- Siguruhing alam natin kung sino ang mga kasosyo natin sa negosyo sa pamamagitan ng pagsunod sa ating proseso ng pagpili at pagtender para sa mga business partner.
- Umaksyon sa anumang paglabag ng ating mga pamantayan. Ang ating mga supplier at mga business partner ay dapat sumunod sa Nestlé’s Responsible Sourcing Core Requirements upang makipag-negosyo sa atin.
Pagsusuri ng ating Code
T. Narinig ko ang mga usap-usapan na ang isang lokal na supplier ay nagpapalawak ng kanilang produksyon sa isang lugar na dating likas na kagubatan. Hindi ako sigurado kung ito ay tama; may kailangan ba akong dapat gawin tungkol dito?
S. Oo, dapat kang kumilos. Ang ating mga supplier ay dapat sumunod sa ating Responsible Sourcing Core Requirements at ipaalam nang direkta sa Nestlé ang anumang hindi pagsunod sa mga obligasyong ito. Kung hindi ito naisagawa, kailangan mo itong i-ulat sa iyong people manager o Legal and Compliance, o gamitin ang Speak Up, upang ma-imbestigahan sa naaayong pamamaraan.

Mga Sanggunian
Mag-click para sa karagdagang impormasyon at internal na mga mapagkukunan.

Kausapin ang iyong people manager, Human Resources o Legal & Compliance, o iulat ang iyong mga alalahanin sa ating Speak Up platform.
Kung mayroong mga katanungan tungkol sa ating Code, makipag-usap sa iyong people manager o sa Legal at Compliance.