Sorry, you need to enable JavaScript to visit this website.
Skip to main content

Kabanata 4: Integridad sa Negosyo 

 

Ating pinapangasiwaan ang data nang may etika


 
Ang Paraan ng Nestlé

Sa Nestlé, ang ating mga pagpapahalaga ay naka-ugat sa respeto, kabilang ang paggalang sa privacy ng mga indibidwal. Seryoso nating tinutugunan ang ating tungkulin na protektahan ang personal data at nagsusumikap na maging mapagkakatiwalaan sa ating mga praktis sa privacy, sa pamamagitan ng paggamit ng data sa etikal at responsableng paraan.

Sumusunod tayo sa mga naaangkop na batas sa data privacy at data protection kung saan man tayo nagnenegosyo. Ang ating Global Privacy Program at Data Ethics Framework ay inaayon ang privacy at etikal na pangangasiwa ng data sa kabuuang operasyon ng ating negosyo.  
 

Paano natin ito isinasabuhay, araw-araw
  • Intindihin at maging transparent tungkol sa mga praktis sa paggamit ng data ng Nestlé. Kolektahin at i-proseso lamang ang personal na datos kapag kinakailangan at para sa tiyak, legal at makatarungang layunin
  • I-respeto ang privacy ng iba – mga kasamahan, mga kustomer, mga konsumer, at mga business partner – at maging maingat kung paano mo maiiwasan ang privacy breaches.
  • I-ulat ang anumang alalahanin o insidenteng may kaugnayan sa privacy at seguridad ng data sa Nestlé Cyber Security Operations Center.

 

 

Sa Nestlé, ang ating mga pagpapahalaga ay naka-ugat sa respeto, kabilang ang paggalang sa privacy ng mga indibidwal.

Pagsusuri ng ating Code

T. Ako ay hindi sinasadyang naisama sa isang email na naglalaman ng sensitibong personal na impormasyon tungkol sa ilang mga kasamahan sa trabaho. Ano ang dapat kong gawin? 

S. Ang impormasyon na ito ay maaaring ituring na personal data at maaaring ito ay magdulot ng personal data breach. Burahin ang email at agad na ipaalam sa nagpadala. Kung kailangan mo ng karagdagang gabay, makipag-ugnayan sa inyong lokal na Data Protection Champion na magbibigay payo sa naaangkop na aksyon.

 

Ano ang personal data?

Ang personal na impormasyon, o personal data, ay anumang datos na maaaring gamitin upang makilala ang isang indibidwal. 

Ang ilan sa mga halimabawa ay ang mga sumusunod: 

  • Pangalan
  • Address
  • Numero ng telepono
  • Email address
  • Numero ng ID ng Empleyado

Ang sensitibong personal data ay pinoprotektahan ng may karagdagang seguridad. Mga halimbawa ay mga data na may kinalaman sa: 

  • Mga paniniwala sa relihiyon
  • Racial o etnikong pinagmulan
  • Mga paniniwala sa pulitika
  • Kalusugan o biometric na data
  • Sex life or sexual orientation
  • Trade union membership
Paano naman ang patungkol sa AI?

Ang Artificial Intelligence (AI) ay mabilis na binabago ang paraan ng pagnegosyo at pang-araw-araw na pamumuhay. Bagaman ito'y lumilikha ng mga kapana-panabik na pagkakataon para sa Nestlé, ito rin ay nagdudulot ng mga legal at etikal na hamon. Narito ang kailangan mong malaman:

  • Unawain ang mga oportunidad at limitasyon ng AI at tiyakin ang kaangkupan sa layunin bago gamitin.
  • Sundin ang mga patakaran at pamantayan ng Nestlé sa paggamit ng AI at humingi ng gabay kung hindi sigurado sa anumang partikular na paggamit ng AI.
  • Gamitin ang kinakailangang risk assessment at monitoring measures (kasama ang human oversight) upang tiyakin ang responsable at etikal na paggamit ng AI.
Mga Sanggunian

Mag-click para sa karagdagang impormasyon at internal na mga mapagkukunan.

qr-code-ph

Speak up

Kausapin ang iyong people manager, Human Resources o Legal & Compliance, o iulat ang iyong mga alalahanin sa ating Speak Up platform.
 

Kung mayroong mga katanungan tungkol sa ating Code, makipag-usap sa iyong people manager o sa Legal at Compliance.