Sorry, you need to enable JavaScript to visit this website.
Skip to main content

Kabanata 1: Tungkol sa ating Code 

 

Pagsunod sa ating Code - at sa batas


 
Tinuturing natin ang pagsunod sa Code at sa mga batas sa mga bansa kung saan tayo nag-ooperate nang may pagpapahalaga.

 

Ang paglabag sa ating Code at batas ay maaaring magkaroon ng seryosong mga kahihinatnan – para sa ating mga konsumer, mga kustomer, mga kasamahan, mga business partner, sa ating kumpanya, at para sa iyo.

Ang hindi pagsunod sa Code, sa Corporate Business Principles o patakaran ng kumpanya ay maaaring magresulta sa aksyong disiplinaryo, kasama ang posibilidad ng pagkakatanggal. Sa mga seryosong kaso, maaaring magkaroon ng mga sibil o kriminal na parusa para sa mga indibidwal o para sa Nestlé.

Dapat tayong sumunod sa mga naaangkop na batas at regulasyon. Sa mga kaso kung saan ang lokal na batas at regulasyon ay maaaring magkasalungat sa Code, o kung ang isang bagay ay hindi malinaw, kumunsulta sa Legal at Compliance team para sa gabay.

chef cookers