Sorry, you need to enable JavaScript to visit this website.
Skip to main content

Kabanata 1: Tungkol sa ating Code 

 

Gawin ang tama: gabay sa pagdedesisyon sa pamamaraang Nestlé


 
Bagaman lagi tayong nagsusumikap na gumamit ng mabuting pagpapasya, maaaring may mga sitwasyon kung saan hindi malinaw kung ano ang tamang gawin.  
 

Kapag nahaharap sa isang mahirap na desisyon o hindi karaniwang pabor, ang mga sumusunod na tanong ay maaaring maging gabay sa pagtukoy ng tamang gawain - sa pamamaraang Nestlé:

 

  1. Ang aking desisyon ba ay naaayon sa batas?
  2. Tugma ba ang aking desisyon sa mga pagpapahalaga ng Nestlé, Corporate Business Principles, Code of Business Conduct at mga patakaran ng kumpanya?
  3. Magiging kumportable ba ako sa pagpapaliwanag ng aking desisyon sa isang kasamahan, pamilya o kaibigan?
  4. Nakasisiguro ba ako na ang aking desisyon ay hindi magkakaroon ng negatibong epekto sa Nestlé?
  5. Mayroon ba akong awtoridad na gawin ang desisyong ito?

 

Kung ang sagot sa alinman sa mga tanong na ito ay "hindi" o "hindi ako sigurado", malaki ang posibilidad na hindi ito ang tamang gawain. Huminto at humingi ng gabay mula sa iyong people manager, Human Resources o lokal na Legal & Compliance team.

breakfast